^

Probinsiya

Iligan City mayor, 14 pa kinasuhan ng multiple murder

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kasong kriminal ang grupo ni Iligan City Mayor Celso Regencia at 14 iba pa kaugnay ng umano’y pagkaka­sangkot sa pananambang sa convoy ni Iligan City Lone Congressman Vicente “Varf” Belmonte Jr. na ikinasawi ng 3 katao habang apat pa ang nasugatan sa Laguindi­ngan, Misamis Oriental noong Disyembre 11, 2014.

Ayon kay Supt. Gervacio Balmaceda Jr., kasong three counts ng multiple murder at apat na multiple frustrated murder ang isinampa ng Special Investigation Task Group (SITG) Belmonte laban sa  grupo ni Mayor Regencia  sa Provincial Pro­secutors Office.

Masuwerteng nakaligtas si Belmonte sa ambush na naganap ilang metro lamang ang layo mula ng lumabas sa paliparan ng bayan ng Laguindingan, Misamis Oriental.

Tatlo naman sa mga kasamahan nito ang nasawi habang sugatan naman ang iba pa.

Ayon kay Balmaceda, positibong itinuro ng mga nakuhang testigo ng SITG Belmonte ang mga suspek na siyang nasa likod ng pananambang, bukod pa ang ilang ebidensiyang nakuha ng mga imbestigador.

Una rito, inihayag ni Belmonte na pulitika ang motibo ng pananambang sa kaniyang convoy.

vuukle comment

AYON

BELMONTE

BELMONTE JR.

GERVACIO BALMACEDA JR.

ILIGAN CITY LONE CONGRESSMAN VICENTE

ILIGAN CITY MAYOR CELSO REGENCIA

MAYOR REGENCIA

MISAMIS ORIENTAL

PROVINCIAL PRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with