^

Probinsiya

Shootout: Drug pusher bulagta

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napatay ang 50-anyos na drug pusher habang nadakip naman ang ka-live-in nito makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa kahabaan ng Sumulong Road sa Antipolo City, Rizal kahapon ng madaling araw. Kinilala ang napatay na si Miguel Ralp Villareal na gumagamit ng alyas kuya Mike, at Daddy Mike ng Esguerra Compound sa Barangay Mayamot.

Si Villareal ay nagtamo ang tatlong tama ng bala sa katawan habang nadakip naman ang ka-live-in nitong si Maribeth Kalibo, 22, ng Sitio Peñafrancia sa nasabing barangay.

Sa police report na isinumite kay P/Senior Supt. Bernabe Barba, pinahihinto ng pulisya ang motorsiklo ng magka-live-in matapos itong dumaan sa checkpoint subalit pinutukan ang mga nagbabantay kaya nauwi sa shootout. Narekober sa dalawa ang cal. 38 revolver, 32 gramo ng shabu, mga drug paraphernalia at dalawang cell phone.

 

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY MAYAMOT

BERNABE BARBA

DADDY MIKE

ESGUERRA COMPOUND

MARIBETH KALIBO

MIGUEL RALP VILLAREAL

SENIOR SUPT

SI VILLAREAL

SITIO PE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with