^

Probinsiya

Kawani ng JPTC dinedo, isinilid sa maleta

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 27-anyos na aircraft debarring operator matapos itong hatawin ng bakal sa ulo ng dalawang di-kilalang lalaki saka isinilid sa maleta sa tinutuluyan nitong apartment sa Barangay Loakan Proper, Baguio City kamakalawa.?

Kinilala ni P/Senior Insp. Renato Buan, hepe ng Baguio City Station 4 ang biktima na si Buena Sol Arro, kawani ng JFF Precision Technology Corporation sa Phil. Economic Zone Authority sa nasabing lungsod. ?

Ayon kay Buan, dalawang kasamahan ng biktima sa apartment ang inilagay sa kustodiya ng pulisya kaugnay sa imbestigasyon matapos matagpuan sa kanilang pag-iingat ang laptop, digital camera at cellphone ni Arro.

Hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan ng mga suspek hangga’t hindi pa naisasampa ang kaukulang kaso.?

Nadiskubre ang bangkay matapos umalingasaw ang masangsang na amoy sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay may tama ng palo sa ulo sanhi ng tubo kung saan isinilid sa maleta at itinago sa ilalim ng lababo sa kusina ng apartment.

vuukle comment

ARRO

AYON

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY STATION

BARANGAY LOAKAN PROPER

BUENA SOL ARRO

ECONOMIC ZONE AUTHORITY

PRECISION TECHNOLOGY CORPORATION

RENATO BUAN

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with