^

Probinsiya

Dalagita ni-rape ng pinsan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Arestado ang 20-anyos na binata matapos halayin ang sariling pinsang dalagita sa bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya, ayon sa ulat kahapon.

Pormal na kinasuhan ni P/Chief Insp. Villegas Claveria, hepe ng Bagabag PNP ang suspek na si Frederick Sumahit na sinasabing pansamantalang nagbabakasyon sa bahay ng biktima at residente sa bayan ng Cabaroguis, Quirino.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, patungo na sana ang 15-anyos na biktima sa kanyang lolo para sa pagsalubong sa Bagong Taon nang abangan  at kaladkarin ng suspek sa bakanteng lote habang nakatutok ang patalim.

Matapos maisakaturapan ang makamundong pagnanasa ay binantaan pa ang biktima na papatayin kabilang ang kanyang mga magulang kapag nagsumbong.

Sa kabila ng matinding takot ay nagawa pa rin ng biktima na magsumbong sa mga magulang na agad naman dumulog sa himpilan ng pulisya kaya  nadakip ang suspek na tangkang tumakas kung saan may nakabinbin ding kasong kriminal sa Quirino.

Hindi naman kaagad ipinalabas ng pulisya ang ulat para maprotektahan ang biktima na nag-aaral sa pampublikong paaralan sa nasabing bayang.

vuukle comment

ARESTADO

BAGABAG

BAGONG TAON

CABAROGUIS

CHIEF INSP

FREDERICK SUMAHIT

MATAPOS

NUEVA VIZCAYA

QUIRINO

VILLEGAS CLAVERIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with