^

Probinsiya

Indian trader, kinidnap

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Dinukot ng hindi pa nakilalang mga arma­dong kalalakihan ang isang negosyanteng Bombay habang naniningil ng pa­utang nitong 5-6 kamakalawa ng umaga sa Brgy. Munting Ilog, Silang, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Tarsen Singh alyas Ro­bert, ambulant credit, loan financier at residente ng Kingsland Village, Brgy. Sampaloc, Dasmariñas City ng lalawigang ito.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Deogenes Zonio, dakong alas-8:12 ng umaga nang puwersahang dukutin ng 3-4 armadong kalalakihan ang biktima sa nasabing lugar.

Kasalukuyang kausap ng biktima si Honorio Mendoza, ang isa sa mga sinisingil nito sa kaniyang negosyong pagpapautang ng perang patubuan ng kidnapin ng mga suspek habang pasakay na sana sa kaniyang motor­siklong Yamaha Mio (6274 UZ).

Ang mga kidnaper ay mabilis na tumakas tangay ang biktima na isinakay sa kulay puting Toyota Innova (PUI 664) na tumahak patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad sa kasong ito.

vuukle comment

BRGY

DEOGENES ZONIO

HONORIO MENDOZA

KINGSLAND VILLAGE

MUNTING ILOG

TARSEN SINGH

TOYOTA INNOVA

YAMAHA MIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with