^

Probinsiya

Kotse vs SUV: 2 utas sa NLEx

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Dalawa-katao ang patay matapos salpukin ng SUV ang nakaparadang kotse sa gilid ng North Luzon Expressway sa Barangay Taal, bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Kapwa naisugod sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital subalit hindi na umabot pa ng buhay ang mga biktimang sina Elson Gabritina, 27, ng Barangay Iba, Meycauayan City, Bulacan; at Justin Rey Soriano, 28, ng Luzon Ave­nue sa Quezon City.

Arestado naman ang nakasalpok na si SJO1 Rolly Abiertas, 48, nakatira sa Don Fabian, Commonwealth, Quezon City at nakatalaga sa national headquarters ng Bureau of Jail Management and Penology

Ayon kay PO3 Gener Cruz, pansamantalang ipinarada ni Ryan Marcelino sa gilid ng NLEx ang minamanehong Toyota Corolla YTG-913) kung saan pasahero ang dalawang biktima dahil sa nag-overheat ang makina nito bandang alas-2:40 ng madaling araw.

Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay sinalpok ng Isuzu Crosswind (NOP-589) ni Abiertas ang likurang bahagi ng kotse ni Marcelino kung saan naipit ang dalawang biktima.

Nabatid na patungong Maynila ang dalawang sasakyan bago maganap ang sakuna kung saan pinaniniwalaang nakaidlip ang driver ng Crosswind kaya sumalpok sa nakaparadang kotse.

vuukle comment

BARANGAY IBA

BARANGAY TAAL

BULACAN

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

DON FABIAN

ELSON GABRITINA

GENER CRUZ

ISUZU CROSSWIND

JUSTIN REY SORIANO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with