^

Probinsiya

Parlor, videoke bar pinasabog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo-katao na pinaghihinalaang eksperto sa paggawa ng bomba ang naaresto ng pulisya matapos pasa­bugin ang massage parlor at videoke bar sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur noong Lunes ng gabi.

Isinailalim na sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Marcel Jumadil, Jumadan Dassan, at si Alshirif Sabdani.

Sa police report na isinumite kay Zamboanga City PNP director P/Senior Supt. Angelito Casimiro, ang mga suspek ay positibong itinuro ng mga testigo na hu­ling namataang lumayo sa pinasabog na Princess Massage Parlor at videoke bar sa kahabaan ng Tomas Claudio Street.

Nabatid na unang nasakote si Jumadil habang patakas habang ang dalawa naman ay ikinanta nito na magkakasunod na nabitag sa follow-up operation sa Aquino Drive, Sapang Palay, Baliwasan Grande sa nasabing lungsod.

Wala namang naiulat na nasugatan at namatay sa pambobomba bagaman lumikha ito ng matinding tension sa mga kustomer ng establisyemento.

Napag-alamang ang pinasabog na establi­sye­mento ay katabi lamang ng dalawang beses na  binomba na Deluxe  Massage Parlor and videoke bar noong Nobyembre 9 kung saan nasugatan ang isang bomb expert ng pulisya at isang K-9 unit bomb sniffing dog.

 

vuukle comment

ALSHIRIF SABDANI

ANGELITO CASIMIRO

BALIWASAN GRANDE

JUMADAN DASSAN

MARCEL JUMADIL

MASSAGE PARLOR

PRINCESS MASSAGE PARLOR

SAPANG PALAY

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with