^

Probinsiya

Foreman kinatay ng 2 tauhan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Napatay ang 43-anyos na foreman na sinasabing nangharas ng batang babae na anak ng kanyang dalawang tauhan matapos itong pagtulungang tagain kamakalawa ng hapon sa Barangay Mambog 4, Bacoor City, Cavite.

Halos magkaputul-putol ang katawan ni Alex Garcia ng Constuction Greenfield Company at nakatira sa Barangay San Agustin sa bayan ng Ibaan, Batangas.

Samantala, pinaghahanap ng pulisya ang dalawang suspek na sina Rolando “Totong” Villanueva at alyas Nonong na kapwa construction worker at nakatira sa nasabing barangay.

Sa ulat ni PO2 Alih Rimbang, kinompronta ng mga suspek ang biktima kaugnay sa ginawa nitong panghaharas sa batang babae sa loob ng subdivision.

Nauwi sa matinding sigawan ang insidente hanggang sa maganap ang pananaga.

vuukle comment

ALEX GARCIA

ALIH RIMBANG

BACOOR CITY

BARANGAY MAMBOG

BARANGAY SAN AGUSTIN

BATANGAS

CAVITE

CONSTUCTION GREENFIELD COMPANY

IBAAN

NAPATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with