^

Probinsiya

Pison kinarnap sa highway

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Walang sinasantong sasakyan ang grupo ng mga karnaper matapos tangayin ang pison na pansamantalang ipinarada sa gilid ng highway sa Barangay Taal, bayan ng Pulilan, Bulacan kamaka­lawa ng gabi.

Base sa imbestigas­yon ni PO3 Jaime Alfonso, pansamantalang ipinarada ang pison na minamaneho ng equipment operator na si Elmer Valdez at ang kasama nitong si Louie Moreno matapos itong masiraan sa gilid ng Doña Remedios Trinidad Highway.

Kinabukasan ay mu­ling binalikan nina Valdez at Moreno ang pison para kumpunihin ang nasirang makina at maipagpatuloy ang paggawa sa kalsada subalit hindi na nakita ang nasabing heavy equipment.

Kaagad na dumulog sa himpilan ng pulisya ang may-ari ng pison na si Ramon Ramos ng Centiare Construction kasama sina Valdez at Moreno.

 

vuukle comment

BARANGAY TAAL

CENTIARE CONSTRUCTION

ELMER VALDEZ

JAIME ALFONSO

LOUIE MORENO

MORENO

RAMON RAMOS

REMEDIOS TRINIDAD HIGHWAY

VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with