^

Probinsiya

2 bata lunod sa beach resort

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nabahiran ng trahedya ang Christmas reunion ng isang pamilya mula sa Baguio City matapos malunod ang dalawang bata habang nagtatampisaw sa beach resort sa Barangay Samara, bayan ng Aringay, La Union kamakalawa. Kinilala ni SPO1 Gabriel Lagao ang mga biktima na sina Howard Waya,11; at Zoren Wagtingan, 8,  kapwa nakatira sa Baguio City. Lumalabas sa imbestigasyon na hindi napansin ng mga kaanak ng dalawang bata na nagtampisaw kaagad sa dalampasigan matapos mananghalian kung saan ay tinangay kaagad ito ng malakas na alon palayo. Nasagip agad si Waya subalit namatay din habang ginagamot sa ospital habang ang bangkay ni Wagtingan ay narekober sa katabing bayan ng Agoo kinabukasan.

vuukle comment

AGOO

ARINGAY

BAGUIO CITY

BARANGAY SAMARA

GABRIEL LAGAO

HOWARD WAYA

KINILALA

LA UNION

LUMALABAS

NABAHIRAN

ZOREN WAGTINGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with