^

Probinsiya

Mister dinedo sa droga

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang isa sa motibo kaya pinatay ang 36-anyos na mister matapos itong ratratin ng  motorcycle-riding gunmen sa bisinidad ng paaralan sa Barangay Sabang, bayan ng Baliwag, Bulacan kahapon ng umaga. Labindalawang tama ng bala ng cal.45 pistol ang tumapos sa buhay ni Roy Gacusan ng Barangay Caingin sa bayan ng San Rafael, Bulacan. Sa imbestigasyon nina PO3 Maurice Cruz at PO3 Jesrael Yahwe Giron, pauwi na ang biktima mula sa paghahatid ng kanyang anak sa eskuwelahan nang harangin at pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen. Nakarekober sa crime scene ang 12-basyo ng bala ng cal. 45 pistol  habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

vuukle comment

BALIWAG

BARANGAY CAINGIN

BARANGAY SABANG

BULACAN

JESRAEL YAHWE GIRON

LABINDALAWANG

MAURICE CRUZ

NAKAREKOBER

ROY GACUSAN

SAN RAFAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with