^

Probinsiya

7 trak, generator sinunog ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pitong trak at isang generator set ang sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army habang dinisarmahan naman ang limang guwardiya makaraang salakayin ang Dizon Farm  sa bayan ng Nabunturan, Compostella Valley kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Compostella Valley PNP na isinumite sa Camp Crame, dakong alas -8:30 ng gabi nang salakayin ng mga rebeldeng lulan ng dalawang SUV van ang compound ng Dizon Farm sa Barangay Antiquera sa nabanggit na bayan.

Agad dinisarmahan ng  mga rebelde  ang limang security guard  na nakaposte sa nabanggit na farm kung saan wala namang nagawa ang iba pang kawani at trabahador sa matinding takot.

Binuhusan ng gasolina ang pitong trak at isang generator set saka sinilaban hanggang sa mawasak.

Nabatid na inakusahan ng mga rebelde ang may-ari ng farm ng pang-aagaw ng lupa sa mga maralita bukod dito ay hindi rin tinugon at nagmatigas ang may-ari na maibigay ang revolutionary tax para sa mga rebeldeng komunista.

vuukle comment

BARANGAY ANTIQUERA

BINUHUSAN

CAMP CRAME

COMPOSTELLA VALLEY

DIZON FARM

NABATID

NABUNTURAN

NEW PEOPLE

PITONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with