^

Probinsiya

2 negosyante itinumba

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Pinabulagta ang dalawang negos­yante makaraang pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Batangas noong Huwebes.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel, Bata­ngas PNP director, niratrat at napatay ang 25-anyos na restaurant owner na si Rance Berbard Cantos habang sakay ng kanyang kotse kasama ang syota pagsapit sa panulukan ng F. Alix Street at Margarita Street sa bayan ng Na­sugbu, Batangas. 

Si Cantos na may-ari ng Pendong Tapsilogan ay namatay habang ginagamot sa Jabez Medical Cen­ter dahil sa mga tinamong tama ng bala ng cal. 45 pistol habang ligtas naman ang kanyang kasintahan.

Samantala, napatay din ang 40-anyos na chic­ken dealer na si Edgardo Maralit ng Barangay Cawongan, bayan ng Padre Garcia matapos itong tambangan ng mga di-kilalang kalalakihan sa Barangay Maraouy, Lipa City.

Naganap ang pamamaril habang magdedeliber ng manok sa kanyang kliyente ang biktima bandang alas-8:10 ng umaga.

Pinaniniwalaang hindi pagkakaunawaan sa kanyang business partner ang anggulong tinitignan ng mga imbestigador na posibleng motibo sa pamamaslang sa biktima.

vuukle comment

ALIX STREET

BARANGAY CAWONGAN

BARANGAY MARAOUY

BATANGAS

EDGARDO MARALIT

JABEZ MEDICAL CEN

LIPA CITY

MARGARITA STREET

OMEGA JIREH FIDEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with