^

Probinsiya

3 kritikal sa ambush

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao ang malubhang nasugatan makaraang ratratin ng mga di-kilalang kalalakihan sa naganap na pananambang kamakalawa sa Sitio Hot Spring, Barangay Asinga sa bayan ng Baggao, Cagayan.?

Kinilala ni P/Chief Insp. Romar Pacis, hepe ng Baggao PNP ang mga biktima na sina Venancio Parayo, 57; Aldrin Parayo, 25; at si Rolly Respicio na pawang nakatira sa nasabing barangay at mga tauhan ni Chairman Samson Ballesteros.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na tutol ang isang negosyante sa pagpapatanim ng mais ng mga biktima sa lupaing nasa ilalim pa ng kaso na dinidig sa korte.?

Napag-alamang papauwi na ang mga biktimang lulan ng kani-kanilang motorsiklo nang tambangan.

Kinailangan pang ibiyahe sa Cagayan Valley Medical Center ang mga biktimang nasa kritikal na kalagayan habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

ALDRIN PARAYO

BAGGAO

BARANGAY ASINGA

CAGAYAN VALLEY MEDICAL CENTER

CHAIRMAN SAMSON BALLESTEROS

CHIEF INSP

ROLLY RESPICIO

ROMAR PACIS

SITIO HOT SPRING

VENANCIO PARAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with