^

Probinsiya

Trader utas sa pananambang

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinaniniwalaang  alitan sa negosyo ang isa sa motibo kaya napaslang ang 43-anyos na bangus dealer matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Buntun, Tugue­garao City, Cagayan kamakalawa. ?

Kinilala ni PO2 Freddie Danao ang napaslang na si Rosemarie Bansig habang sugatan naman ang drayber nitong si Elmer Ramos.?

Lumalabas sa imbestigasyon na ?pauwi na ang biktima lulan ng van mula sa kanyang transaksiyon sa Brgy. Maddarulog sa bayan ng Solana nang harangin at pagbabarilin ng tandem.

Bagama’t sugatan sa kaliwang braso at leeg ay nagawa pang itakas at itak­bo ni Ramos ang kanyang amo sa St. Paul’s Hospital subalit namatay din. ?

Napag-alamang si Bansig ay anak ng negosyanteng si Mameng Bunagan na lumahok sa mayoralty race sa Tuguegarao City noong 1992 at kumandidatong councilor noong nakalipas na eleksiyon.

vuukle comment

BAGAMA

BANSIG

BARANGAY BUNTUN

ELMER RAMOS

FREDDIE DANAO

MAMENG BUNAGAN

ROSEMARIE BANSIG

ST. PAUL

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with