^

Probinsiya

Mixer bumaliktad: 4 dedo, 4 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat-katao ang kumpirmadong namatay habang apat naman ang nasugatan makaraang bumaliktad ang transit mixer sa kahabaan ng highway sa Barangay Abong-Abong, bayan ng Maluso, Basilan kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Mario Dapilloza, Basilan PNP director ang mga namatay na sina Angelino Alejandro, Kagawad Eddie Misamis ng Brgy. Abong-Abong; Marisa Jakaria, 14, ng Jolo, Sulu; at si Adding Duterte.

Sugatang naisugod sa pagamutan sa Zamboanga City ay sina Mohammad Adil Badidi, driver ng transit mixer; Michael Abubakar, Annori Tayabas, 40, miyembro ng Cafgu; at isang alyas Awan, foreman ng Michael Abubakar Construction.

Binabagtas ng transit mixer (RHD 867 ) ni Badidi ang kahabaan ng highway nang biglang sumabog ang kanang gulong sa unahan ng sasakyan.

Bunsod nito ay bumaliktad ang mixer at gumulong ng ilang ulit sa kanang bahagi ng highway malapit sa tulay.

Bunga nito ay naipit  at namatay ang apat na biktima habang isinugod naman sa pagamutan ang mga nasugatan. 

vuukle comment

ANGELINO ALEJANDRO

ANNORI TAYABAS

BARANGAY ABONG-ABONG

BASILAN

KAGAWAD EDDIE MISAMIS

MARIO DAPILLOZA

MARISA JAKARIA

MICHAEL ABUBAKAR

MICHAEL ABUBAKAR CONSTRUCTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with