^

Probinsiya

Karnaper, 4 pa timbog sa pot session

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Lima katao kabilang ang isang hinihinalang karnaper ang inaresto ng pulisya matapos na maaktuhang nagsasagawa ng shabu pot session sa Brgy. Caingin, Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Gregorio ‘Panggo’ Gregorio Jr., 43, residente ng Brgy. Caingin, Bocaue, Billy Joe Jose, 21, ng Brgy. Ilang-Ilang, Guiguinto, Maryjane Amoress, 28, Guest Relation Officer ng Brgy. Panginay, Balagtas, Danica Piano, 18, ng Brgy. Pamarawan, Malolos City at Rejane Dela Rosa, 24, ng Brgy. Mahabang Parang, Angono, Rizal.

Sa report ni Chief Inspector Reynaldo Magdaluyo ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) dakong alas-7:30 ng gabi ay  ni-raid ng kanyang mga tauhan ang bahay ni Gregorio Jr. sa naturang lugar base sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Alexander Tamayo ng Regional Trial Court (RTC) Branch 15 sa Malolos City para sa kasong carnapping na isinampa ng barangay kagawad ng Brgy. Bagongbayan sa naturang ding lugar.

Sa nasabing operasyon ay naaktuhan namang nagsasagawa ng pot session ang mga suspek kaya dinakip ang mga ito ng pulisya.

vuukle comment

BILLY JOE JOSE

BOCAUE

BRGY

BULACAN CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION TEAM

CHIEF INSPECTOR REYNALDO MAGDALUYO

DANICA PIANO

GREGORIO JR.

GUEST RELATION OFFICER

JUDGE ALEXANDER TAMAYO

MAHABANG PARANG

MALOLOS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with