^

Probinsiya

Retiree nag-suicide sa burol

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Dahilan sa matinding de­presyon at hindi makayanang pag-iisa, nag-suicide ang isang 78-anyos na mister na isang retiree sa mismong burol ng kaniyang misis sa bayan ng Narvacan, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ni PO3 Jay Callejo ang biktima na si Crisanto Cabanting, isang retiradong empleyado mula pa sa Estados Unidos.

Sa report, nabulabog ang lamay ng matandang babae matapos magbaril sa sentido ang mister nito sa harap ng burol ng asawa.

Narekober naman ng pulisya ang cal. .45 pistol na ginamit ng lolo sa pagpapakamatay. Ayon kay Callejo, lisensiyado sa matanda ang baril subalit nagpaso na ang lisensiya nito noong Marso.

Ayon sa mga kaanak, hindi matanggap ng biktima ang pagpanaw ng kabiyak na siyang nagtulak dito upang kitilin ang buhay.

vuukle comment

AYON

CALLEJO

CRISANTO CABANTING

DAHILAN

ESTADOS UNIDOS

ILOCOS SUR

JAY CALLEJO

KINILALA

MARSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with