^

Probinsiya

3 katao niratrat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlo katao kabilang ang isang mag-ama ang nasawi matapos paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa madugong insidente sa Lamitan City, Basilan nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga na­sawing biktima na sina Alen Pioquinto, binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa isang  pagamutan sa Zamboanga City at ang mag-amang sina Noel Alvarez  at anak nitong si Nolie Alvarez.

Iniimbestigahan naman ng mga awtoridad kung may kinalaman ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa pamamaslang sa tatlong biktima.

Sa ulat ng Lamitan City Police, naganap ang insi­dente sa nasabing lungsod bandang alas-4:30 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon, galing sa pamumutol ng kahoy ang tatlo na pawang ‘chainsaw operator’ nang tambangan ng mga armadong suspek habang lulan ng motorsiklo.

Napag-alaman na ang mga biktima ay residente ng Zamboanga City at pumunta lamang sa Basilan dahil sa kanilang hanapbuhay bilang mga ‘chainsaw operator’. Iniimbestigahan na ang motibo ng krimen.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ALEN PIOQUINTO

BASILAN

INIIMBESTIGAHAN

LAMITAN CITY

LAMITAN CITY POLICE

NOEL ALVAREZ

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with