^

Probinsiya

Shootout: 2 akyat-bahay, 1 sekyu utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napatay ang dalawang miyembro ng notoryus na Akyat-Bahay Gang at isang security guard matapos sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig sa isang subdibisyon sa Upper Balulang, Cagayan de Oro City kahapon ng mada­ling araw.

Sa ulat ni P/Supt. Bernardo Mendoza, spokesman ng Northern Mindanao Regional PNP, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang sumiklab ang shootout sa pagitan ng mga security guard at grupo ng kawatan sa Phase 3, Xavier Estate Subdivision sa nasabing lugar.

?Nabatid na naaktuhan ng mga nagrorondang security guard ang grupo ng kawatan habang pinapasok ang bahay ng pamilya Alpeche sa natu­rang subdibisyon.

Kaagad sinita ng mga guwardiya ang grupo kung saan pinaputukan ang mga ito hanggang sa mauwi sa shootout.

Kinilala ang dalawang napatay na kawatan na sina Aldemar Palconite at Ben Palconite habang nakatakas naman ang mga kasamahan.

Idineklara namang patay sa Dr. Borja Memorial Hospital ang security guard na si Alexander Busbos, 26, habang patuloy na ginagamot ang isa pang sekyu na si Geran Formeros, 32.

Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang isang 9mm KG rifle at  cal. 45 pistol habang pinaghahanap naman ng pulisya ang iba pang kasamahan ng dalawang napatay. 

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

ALDEMAR PALCONITE

ALEXANDER BUSBOS

BEN PALCONITE

BERNARDO MENDOZA

DR. BORJA MEMORIAL HOSPITAL

GERAN FORMEROS

NORTHERN MINDANAO REGIONAL

ORO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with