^

Probinsiya

5-katao minasaker dahil sa droga

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Isa na namang brutal na pamamaslang ang naganap sa Tacurong City, Sultan Kudarat kung saan pinagbabaril ng mga di-kilalang kalalakihan ang limang sibilyan kabilang ang tatlong guest relation officer (GROs) kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Manuel Rafael, 32, ng Barangay San Emmanuel, Tacurong City; Felix Rodrigo ng Apiladi Subd., kapwa tricycle dri­ver; at ang tatlong GROs na sina Rhea Ramirez; 28, ng Dadiangas West, General Santos City; Joan Mamon, 26, ng Columbio, Sultan Kudarat; at si Regine Dalogdog, 34, ng Barangay Apopong, General Santos City.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Junny Buenacosa, hepe ng Tacurong City PNP, lulan ng traysikel ang mga biktima na patungong bayan ng Lambayong mula sa Video k Hauz nang parahin ng mga di-kilalang kalalakihan pagsapit sa Barangay New Lagao.

Matapos pababain sa traysikel ang mga biktima ay magkakasunod na pina­dapa saka pinagbabaril.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol at cal. 9mm pistol 45.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa bawal na droga ang isa sa motibo sa naganap na pamamaslang sa mga biktima.

vuukle comment

APILADI SUBD

BARANGAY APOPONG

BARANGAY NEW LAGAO

BARANGAY SAN EMMANUEL

DADIANGAS WEST

FELIX RODRIGO

GENERAL SANTOS CITY

SULTAN KUDARAT

TACURONG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with