^

Probinsiya

Pekeng pulis arestado

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng ng 37-anyos na dating overseas Filipino worker (OFW) na nagpanggap na pulis matapos itong arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay  Poblacion, bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Shernan James Casiño ng Saint Lorraine Village, Barangay Ilang-Ilang sa bayan ng Guiguinto, Bulacan.

Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Nathaniel Villegas, sinita ng mga operatiba ng pulisya ang suspek  na lulan ng motorsiklo kung saan nakasuot ng asul na t-shirt na may tatak na PNP at may nakasukbit na baril sa baywang.

Nagpakilala ang suspek na miyembro ng PNP sa NCRPO kung saan wala naman maipakitang kaukulang papeles.

Nasamsam sa suspek  ang isang replica ng cal. 45 pistol, tatlong sachet ng shabu, ilang drug paraphernalias, dalawang pekeng identification card, passport at motorsiklo na pinaniniwalaang gamit sa modus operandi.

 

vuukle comment

BARANGAY ILANG-ILANG

BOCAUE

BULACAN

GUIGUINTO

NAGPAKILALA

NASAMSAM

NATHANIEL VILLEGAS

PORMAL

SAINT LORRAINE VILLAGE

SHERNAN JAMES CASI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with