^

Probinsiya

Hindi napautang… 2 anak hinostage ng ina

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Dahil hindi agad napahiram ng pera, hinostage ng isang 41-anyos na ginang ang dalawa nitong anak sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Narra, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng umaga.

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang suspek na si Carla Resulto, residente ng Phase R, Francisco Homes, Brgy. Narra sa naturang lugar habang sumasailalim naman nga­yon sa debriefing ng pulisya at City Social Welfare and Development ang mga nasagip na biktimang sina Sunshine Campollo 12 at kuya nitong si John Campollo 18 kapwa residente rin ng naturang lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas 8:00 ng umaga ay kinausap ng suspek ang kanyang inang si Perlita Resulto para manghiram ng hindi pa nabatid na halaga ng pera ngunit ti­nanggihan ito ng ina na naging dahilan ng galit kaya pumasok sa loob ng kuwarto ng kanyang mga anak ang suspek at sina­bihang papatayin ang mga ito gamit ang hindi nabatid na patalim.

Gayunman, dahil sa ma­ayos na pakikipagnegosasyon ng pulisya ay napasuko nito ang nagwawalang suspek at napakawalan ang mga biktima.

vuukle comment

BRGY

CARLA RESULTO

CITY SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

FRANCISCO HOMES

JOHN CAMPOLLO

PERLITA RESULTO

PHASE R

SAN JOSE DEL MONTE CITY

SUNSHINE CAMPOLLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with