^

Probinsiya

Babaero pinugutan, tinapyas ang ari

Freeman News Service - Pilipino Star Ngayon

CEBU CITY, Philippines – Pinaniniwalaang inakusahang babaero ang mister kaya pinugutan saka tinapyas ang ari nito saka inabandona sa mababaw na hukay ng mga di-kilalalang lalaki sa Sitio Makatol, Barangay Biga, Toledo City sa Cebu kamakalawa.

Ayon kay P03 Alfred Barquin, Don Andres Soriano police sub-station investigator, bandang alas-7 ng umaga nang matagpuan ni Pauline Versaga ang bangkay ng isang lalaki sa nasabing barangay.

Tinatayang nasa 5’2 ang taas, 30 hanggang 40-an­yos  at may snake tattoo sa kaliwang dibdib.

Ayon pa kay PO3 Barquin, bukod sa pinugutan ay nilaslas pa ang tiyan kaya lumuwa ang bituka ng biktima kung saan binutasan pa ang likurang batok.

Kasalukuyang hinahanap pa ng pulisya ang ulo at ari ng biktima kung saan pinaniniwalaang pinatay sa ibang lugar saka itinapon sa liblib na bahagi ng Sitio Makatol.

Naniniwala ang pulisya na ang biktima ay may karelasyong ibang babae na may asawa kaya pinutulan ng ari.

 

vuukle comment

ALFRED BARQUIN

AYON

BARANGAY BIGA

BARQUIN

CEBU

DON ANDRES SORIANO

PAULINE VERSAGA

SITIO MAKATOL

TOLEDO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with