^

Probinsiya

UE professor kinatay ng 3 kainuman

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Pinagtulu­ngang patayin ang 48-anyos na university professor matapos itong pagsasaksakin habang nakikipag-inuman sa tatlong di-kilalang lalaki sa Barangay Lawa, Mey­cauayan City, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Nagtamo ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Jose Randy Velayo, professor sa University of the East, tubong Nueva Ecija, at residente ng Meyland Homes, Phase II sa nasabing lungsod.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Michael Sarangaya, bumisita ang tatlong di-kila­lang lalaking sa bahay ng biktima saka nakipag-inuman habang kumakanta sa saliw ng videoke.

Gayon pa man, bandang alas-2:30 ng madaling araw ay napansin ng babaeng kapitbahay na tumatakbo palayo sa bahay ng biktima ang mga bisita nito.

Bandang alas-8:45 ng umaga kahapon ng madiskubre ang pagpatay sa biktima makaraang magpunta sa bahay ng biktima ang dalawang obrero para kumpunihin ang nasirang sahig ng bahay.

Kaagad namang ipinaabot sa himpilan ng pulisya ang insidente

Narekober sa crime scene ang matalim na kutsilyo na may bahid ng dugo na sinasabing ginamit sa pamamaslang.

Wala namang nawawala na personal na gamit ng biktima na sinasabing miyembro ng Lesbian, Gay Bisexual, Transgender Community (LGBTC) habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

BANDANG

BARANGAY LAWA

GAY BISEXUAL

JOSE RANDY VELAYO

MEYLAND HOMES

MICHAEL SARANGAYA

NUEVA ECIJA

TRANSGENDER COMMUNITY

UNIVERSITY OF THE EAST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with