^

Probinsiya

Trike vs bike: 2 dedo, 4 grabe

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na namatay habang apat naman ang malubhang nasugatan matapos na magsalpukan ang traysikel at motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay San Pedro, bayan ng Roxas, Isabela noong Sabado. ?

Naisugod pa sa ospital subalit idineklarang patay sina Luzviminda Gabuyo, 55, pasahero ng trike; at Kenneth John Bermise, 19, ng Barangay Barucboc sa bayan ng Quezon.  ?

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya,  nag-overtake sa motorsiklo si Bermise sa isa pang sasakyan subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalpukan sa kabilang linya ang traysikel na minamaneho ni Dionisio Gabuyo, 25.?

Sugatan naman ang mga pasahero ng trike na sina Teofila Meate, Regine Tabor, at si Marife Tabor.

Nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan at walang galos sa katawan ang tatlong buwang sanggol na si Bernadette Tabor.

 

vuukle comment

BARANGAY BARUCBOC

BARANGAY SAN PEDRO

BERMISE

BERNADETTE TABOR

DIONISIO GABUYO

KENNETH JOHN BERMISE

LUZVIMINDA GABUYO

MARIFE TABOR

REGINE TABOR

TEOFILA MEATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with