^

Probinsiya

Trader sugatan sa P.5M robbery/holdup

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Isang negosyanteng lalaki ang nasugatan matapos na pagbabarilin ng mga armadong   holdaper sa naganap na P.5 M robbery/holdup sa highway ng Brgy. Poblacion, Gui­guinto, Bulacan kamakalawa.

Patuloy na inoobserbahan sa Polymedic Hospital ang biktimang kinilalang si Ronnie Aquino, 33-anyos, negosyante ng bigas at residente ng Brgy. Mangga, Candaba, Pampanga sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Sa  imbestigasyon ni PO1 Irwin Joy Yuson, bandang alas-2:35 ng hapon habang lulan ang biktima ng Isuzu Elf truck (RHP-122) sa kahabaan ng McArthur highway nang biglang tabihan ng isang motorsiklong walang plaka na sinasakyan ng mga suspek.

Agad na bumaba sa motorsiklo ang dalawa sa tatlong suspek na pawang armado ng cal. 45 pistol at pinagbabaril ng ilang ulit ang unahang bahagi ng sasakyan ng biktima.

Sa nasabing insidente ay nasugatan si Aquino at dito na puwersahang kinuha ng mga suspek ang bag nito na naglalaman ng nasabing halaga na mula sa tsekeng pinapalitan nito sa Metrobank. Isang hot pursuit operations ang inilunsad laban sa mga suspek.

vuukle comment

AQUINO

BRGY

BULACAN

CANDABA

IRWIN JOY YUSON

ISANG

ISUZU ELF

POLYMEDIC HOSPITAL

RONNIE AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with