^

Probinsiya

Shootout: 2 holdaper bulagta

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

RIZAL, Philippines – Bulagta ang dalawa sa tatlong notoryus na holdaper na sinasabing miyembro ng Gapos Gang matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Antipolo City, Rizal kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang bineperipika ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay habang nakilala naman ng biktima ang dalawa na si Joel Alcantara, taxi driver.

Base sa police report,  sumakay ang  tatlong kalalakihan sa taxi ni Alcantara sa bahagi ng Barangay Mayamot kung saan nagpahatid sa bayan ng Taytay, Rizal.

Habang nasa biyahe ay nagdeklara na ng holdap ang tatlo at nilimas ang P3,700 cash na pinagpaguran ni Alcantara sa pamamasada sa taxi.

Iginapos pa si Alcantara saka pinababa sa bahagi ng Sumulong Highway saka tumakas ang tatlo tangay ang taxi.

Nakaabot naman sa kaalaman ng mga awtoridad ang naganap na insidente kaya kaagad na inilatag ang checkpoint.

Sumiklab ang putukan sa pagitan ng pulisya at mga holdaper matapos na tumang­ging tumigil sa inilatag na checkpoint.

Napatay ang dalawa habang nakatakas naman ang kasabwat sa holdapan habang narekober naman ang isang cal. 38 revolver.

 

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY MAYAMOT

BULAGTA

GAPOS GANG

HABANG

IGINAPOS

JOEL ALCANTARA

RIZAL

SUMULONG HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with