^

Probinsiya

8 Acetylene Gang, arestado

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng walong miyembro ng notor­yus na Acetylene Gang makaraang masakote ng mga tauhan ng pulisya sa isinagawang operas­yon sa Purok Waya-Waya, Barangay San Emmanuel sa Tacurong City, Sultan Kudarat kahapon ng hapon.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Palong Panes, 43, ng Ilocos Sur; Christopher Dayao, 23, ng La Trinidad, Benguet; Richard Payas ng Tarlac; Jonathan Habradilla, 31, ng Baguio City; Dario Payoyo, 31, ng Benguet; Elvis Lawig, 52, ng Mt. Pro­vince; Allan Diwan, 28, ng Isabela; at si  Jhonny Ramos, 35, ng Bisao, Quirino.

Sa tala ng pulisya, ang mga suspek ay tangkang manloob sa banko sa bayan ng Surallah kung saan nakagawa na sila ng tunnel pero nadiskubre ng mga awtoridad nitong  nakaraang araw lamang.

Nabatid din na ang mga suspek ay pawang minero mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Lumiltaw din sa pagsisiyasat na lumipat ng modus operandi ang mga suspek mula sa bayan ng Surallah patungong Tacurong City kung saan sila nasakote.

Nasamsam sa nasabing grupo ang ilang granada, mga baril at mga gamit sa pag­huhukay.

vuukle comment

ACETYLENE GANG

ALLAN DIWAN

BAGUIO CITY

BARANGAY SAN EMMANUEL

BENGUET

CHRISTOPHER DAYAO

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

DARIO PAYOYO

TACURONG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with