^

Probinsiya

Tserman nag-amok: Mag-ama binoga, 1 patay!

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines  – Patay ang isang ama habang nakikipagbuno kay kamatayan ang 6-anyos na anak na lalaki matapos silang barilin ng de-sabog ng isang chairman ng barangay na lango sa alak sa Quintarong, Bangar, La Union kamakalawa ng gabi. ?

Ayon kay Chief Insp. Silverio Ordinado Jr., hepe ng PNP Bangar, habang nakakalong umano ang batang si Stephen Nikolai  sa nakaupong ama na si Krisolito Munio habang hinihintay ang pagdating ng misis nitong galing sa trabaho, nang pasukin sila sa kanilang bakuran ng suspek na si Chairman Marlo Lucina, 32.?

Dito, walang sabi-sabi umanong binaril ng suspek ang mag-ama. Tumilapon ang mag-ama at tinamaan din sa katawan ang paslit na si Stephen Nikolai na ngayon ay nag-aagaw-buhay.?

Bago lagutan nang hininga ang biktima na nasapol ng bala sa dibdib,  nagawa pa umano nitong kilalanin ang suspek  at sinabi ang pangalan sa mga nagsipaglapit at sumaklolo na mga kaanak. ?

Sinabi ni Ordinado na hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin ng mga nagrespondeng pulis sa kanyang bahay subalit tumanggi ang unang isuko ang shotgun na ginamit sa pamamaril sa mga biktima.?

Sa pagsusuri, nagpositibo sa alcohol ang chairman na umamin na may nakaraan silang alitang personal ng biktima na siyang nagtulak sa una na itumba ang biktima.

 

vuukle comment

AYON

BANGAR

CHAIRMAN MARLO LUCINA

CHIEF INSP

DITO

KRISOLITO MUNIO

LA UNION

SILVERIO ORDINADO JR.

STEPHEN NIKOLAI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with