^

Probinsiya

Mag-aama kinatay ng kapitbahay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  – Karumal-dumal na kamatayan ang naging katapusan ng mag-aama matapos na pagtatagain ng kanilang kapitbahay na lango sa alak dahil sa matinding hidwaan sa sinasakahang lupain sa Barangay Viga, bayan ng Lasam, Cagayan kamakalawa.

?Kinilala ni P/Insp. Leon Umbrero, hepe ng Lasam PNP ang mga mag-aama na sina Benito Suguitan, anak na sina Judito Sugui­tan, at Joel Suguitan habang na­sakote sa follow-up ope­ration ang suspek na si Romel Banza, magsasaka, at mga nakatira sa nasabing barangay.

Lumalabas sa imbestigasyon na lango ang mag aama nang magbalik-tanaw ng mapait na alala bilang magkakapitbahay na ibinintang sa kanilang pamilya ang paninira sa pananim ng suspek. ?

Lingid sa kaalaman ng mga biktima ay namuo ang masamang balak ng suspek na sinasabing nakaubos ng tatlong bote ng alak nang sundan niya ang mag-aama sa kanilang kuwarto habang natutulog saka pinagtataga hanggang mapatay. ?

Kaagad na tumakas ang suspek subalit nadakip naman ng pulisya sa isinagawang follow-up operations kung saan pormal na kinasuhan.

vuukle comment

BARANGAY VIGA

BENITO SUGUITAN

JOEL SUGUITAN

JUDITO SUGUI

KAAGAD

KARUMAL

LASAM

LEON UMBRERO

ROMEL BANZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with