^

Probinsiya

7 hinoldap sa fitness gym

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Pito-katao na sinasabing nagsu-zumba dancing sa fitness gym ang hinoldap ng mga armadong kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Barangay Tikay, Malolos City, Bulacan.

Kabilang sa mga biktimang dumulog sa himpilan ng pulisya para magreklamo ay sina Rosmin Lapuz, 34, negosyante, ng Barangay Longos; Donna Joy Estrella, 23, ng Barangay Mojon; Carlo Christopher Pascasio, 26, ng Barangay San Pablo; Ephaim Jerome Lubo, 21; Jonathan Delavega, 33, fitness instructor; Felicidad Ariego, 50, mga residente sa bayan ng Guiguinto; at si Ma. Mirasol Bautista ng Barangay Sta. Elena sa bayan ng Hagonoy.

Ginawang gateaway vehicle ng mga holdaper ang kinarnap na Mitsubishi Montero (NC-6462) na pag-aari ni Lapuz na nakaparada sa bisinidad ng nasabing fitness gym.

Sa imbestigasyon nina PO3 Ariendo Lorenzo at PO2 Ronald Rosario, kasalukuyang nagsu-zumba dancing ang mga biktima sa Fitness Edge nang pasukin at holdapin ng mga armadong kalalakihan.

Kaagad na kinulimbat ang mga personal na ari-arian ng mga biktima saka tumakas gamit ang kinarnap na SUV ni Lapuz.

vuukle comment

ARIENDO LORENZO

BARANGAY LONGOS

BARANGAY MOJON

BARANGAY SAN PABLO

BARANGAY STA

BARANGAY TIKAY

CARLO CHRISTOPHER PASCASIO

DONNA JOY ESTRELLA

EPHAIM JEROME LUBO

FELICIDAD ARIEGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with