^

Probinsiya

2-anyos ginilitan ng ama

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 2-anyos na totoy matapos itong gilitan ng sariling ama na sinasabing may nervous breakdown sa kanilang bahay sa Sitio Riverside, Barangay Villa Gonzalo, Cebu City, Cebu noong Huwebes ng umaga.

Sa phone interview, kinilala ni P/Chief Inspector Aileen Recla, hepe ng Investigation Division ng Cebu City PNP ang bata na si Prince Jasel Ompad na idineklarang patay sa Cebu City Hospital habang arestado naman ang suspek na si Robert Ompad, 29.

Bago maganap ang krimen ay nag-away ang suspek at ang misis nitong si Fatima kung saan umalis ng kanilang bahay ang babae upang maiwasan ang kaguluhan.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na napagbuntunan ng galit ng suspek ang naglalarong anak na sinunggaban nito saka ginilitan sa harapan ng kanilang pintuan.

Nasaksihan naman ng mga kapitbahay ang malagim na krimen kaya kaagad na tumawag ng mga pulis at nasakote ang suspek kung saan bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ang bata ay nabigo ng mailigtas.

Samantala, dinala sa Center for Behavioral Sciences sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang suspek kaugnay ng sakit nitong nervous breakdown.

Nabatid din na pumapalya sa pag-inom ng gamot ang suspek at hindi rin regular na nakakapagpa-check-up sa hospital dahil sa kakapusan sa pana­nalapi kaya sinumpong muli ng karamdaman.

vuukle comment

BARANGAY VILLA GONZALO

BEHAVIORAL SCIENCES

CEBU CITY

CEBU CITY HOSPITAL

CHIEF INSPECTOR AILEEN RECLA

INVESTIGATION DIVISION

PRINCE JASEL OMPAD

ROBERT OMPAD

SITIO RIVERSIDE

VICENTE SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with