^

Probinsiya

4 sunog sa Cebu: Lolo, dedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na sunog ang naitala sa Cebu, isa rito ay kumitil ng buhay ng isang 85 anyos na lolo sa bayan ng Sibonga ng lalawigan kamakalawa.

Sa ulat ng Cebu Fire Marshal, dakong alas-10 ng gabi kamakalawa ng maganap ang sunog sa Brgy. Candaguit, Sibonga.

Sa nasabing insidente ay na-trap sa sunog ang matandang kinilalang si Willington Lopez Sr., na natusta ang katawan sa tahanan nito sa nasabing lugar.

Pinaniniwalaan namang isang napabayaang kandila sa loob ng tahanan ng matanda ang pinagmulan ng sunog habang mahimbing itong natutulog.

Samantalang bukod dito ay naitala rin ang sunog bandang alas-12 ng tanghali nitong Biyernes sa Brgy. Looc, Mandaue City. Isa ring sunog ang naganap sa Brgy. Tisa  bandang ala-1 ng hapon na nasundan dakong alas-4 ng hapon sa Brgy. San Roque; pawang sa lungsod ng Cebu.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa na­ganap na mga sunog at inaalam rin ang kabuuang  halaga ng na­pinsalang mga ari-arian.

 

vuukle comment

APAT

BRGY

CEBU

CEBU FIRE MARSHAL

MANDAUE CITY

SAN ROQUE

SIBONGA

SUNOG

WILLINGTON LOPEZ SR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with