^

Probinsiya

Trader todas sa tandem

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines - — Pinabu­lagta ang 57-anyos na ne­gosyanteng may-ari ng quarry­ing matapos tam­bangan ng riding-in-tandem gunmen sa bayan ng Ro­sario, Batangas kahapon ng hapon

Kinilala ang biktimang si Isidro Ancheta ng Barangay Sto. Niño, bayan ng Taysan, Batangas at dating pulis na may ranggong SPO4 na naka-assign sa Rosario PNP.

Nabatid na nagretiro si Ancheta sa pagkapulis nang makapagnegosyo ng quarrying­ sa bayan ng Taysan. 

Ayon sa police report, nakaparada sa harap ng Ro­sario public market si Ancheta sakay ng Toyota Fortuner nang lapitan at ratratin ng dalawang di-kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo. Na­isugod pa sa Maderazo Hospital si Ancheta pero namatay din habang ginagamot dahil sa mga tinamong mga tama ng bala ng baril.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pamamaslang habang patuloy ang hot pursuit operation laban sa gunmen.

vuukle comment

ANCHETA

AYON

BARANGAY STO

BATANGAS

ISIDRO ANCHETA

MADERAZO HOSPITAL

SHY

TAYSAN

TOYOTA FORTUNER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with