^

Probinsiya

Trabahador nilamon ng makina

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines  — Kamatayan ang sumalubong sa 24-anyos na trabahador ng pabrika makaraang maipit ang katawan nito sa makina kamakalawa ng umaga sa Trece Martires City, Cavite. Hindi na umabot ng buhay sa M.V. Santiago Medical Center ang biktimang si Jonrel Bilar, nakatira sa Barangay Mataas-na-Lupa, bayan ng Indang, Cavite at production adjuster sa Somico Steel Mill Corp. sa Ba­rangay Aguado. Base sa police report, namataan ng isa sa trabahador na si Dennis Adriano na nakahiga ang biktima kung saan inakala­ nito na natutulog lamang. Nang usisain ay bumulaga sa kanya ang duguang katawan ng biktima na sinasabing naipit sa gilingan ng bakal sa loob ng na­sabing pabrika. Kaagad na ipinagbigay-alam sa pulisya ang naganap na insidente.

 

vuukle comment

AGUADO

BARANGAY MATAAS

CAVITE

DENNIS ADRIANO

INDANG

JONREL BILAR

SANTIAGO MEDICAL CENTER

SOMICO STEEL MILL CORP

TRECE MARTIRES CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with