^

Probinsiya

Militar vs BIFF: 18 patay

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 17-rebel­deng Bangsamoro Isla­mic Freedom Fighters (BIFF) kabilang ang isa sa pinakamataas na pinu­no ng grupo at isang sundalo ang napaslang sa pa­nibagong bakbakan sa Maguindanao noong Lunes.

Kabilang sa mga na­pas­lang ay si alyas Comman­der City Hunter, 2nd man ng grupo ni BIFF Commander Ameril Umbrakato, ayon kay Col. Dickson Hermoso, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division.

Sampu sa 17 bangkay ng BIFF ay narekober habang ang iba naman ay inilibing na ng kanilang kasamahang nakatakas.

Sa mga napaslang na kalaban ay lima ang natukoy ang pagkakakilanlan na bukod kay City Hunter ay napatay din ang mga security aides nitong sina Dris Salik, Mashud Ali, Nur Hassan at si Mantawil Kaliga.

Ayon sa opisyal, su­mik­lab ang bakbakan matapos na iharas ng  BIFF fighters ang detachment ng 62nd Division Reconnaissance Company sa Barangay Damabalas, Datu Piang, Maguindanao noong Lunes ng madaling araw na nagresulta sa 2-oras na bakbakan.

Samantala, ilang oras pa ang nakalipas ay inatake rin ng BIFF ang posisyon ng 61st DRC sa Barangay Ganta, Shariff Saydona.

Sa nasabing bakbakan ay napatay naman ang isang sundalo habang tatlo pang sundalo ang nasuga­tan kung saan humupa ang sagupaan bandang alas-2 ng hapon.

Sa radio interview, sinabi naman ni Mindanao Human Rights Action Center Executive Director Bobby Benito, sampung sibilyan ang nasugatan matapos maipit sa bakbakan ng tropa ng militar at mga bandido sa Barangay Penditan na katabi lamang ng Barangay Ganta sa bayan ng Shariff Saydona.

Naitala naman na 300-katao ang nagsilikas bunga ng umaatikabong bakbakan kung saan nanatili namang nasa red alert status ang tropa ng militar sa Central Mindanao kaugnay ng Ramadan.

vuukle comment

BANGSAMORO ISLA

BARANGAY DAMABALAS

BARANGAY GANTA

BARANGAY PENDITAN

CENTRAL MINDANAO

CITY HUNTER

COMMANDER AMERIL UMBRAKATO

SHARIFF SAYDONA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with