^

Probinsiya

Ina minura ng anak, nagbigti

Ed Casulla at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Legazpi City, Albay - Dahil sa matinding sama ng loob sa pabalang na pagsagot at pagmumura ng kaniyang suwail na anak na babae, nagbigti ang 71-anyos na ina sa likuran ng kanilang bahay sa Barangay Taytay, bayan ng Goa, Camarines Sur kamakalawa.

Bandang alas -10:30 ng umaga nang matagpuan ng kaniyang pamangking si  Adelina Climaco ang nakabiting bangkay ng biktimang si Lourdes Peñaflorida  sa punung Malubago  may ilang metro mula sa likuran ng bahay nito sa Upper Culasi.

Nagpaalam ang matanda sa kaniyang asawang si Sergio na mamimitas lamang ng gulay sa likurang bakuran pero hindi ito umuwi hanggang sa matuklasan ang insidente.

Huling namataang nagtatalo ang biktima at ng kaniyang anak na si Maritess at ang manugang na si Vicente Montes.??

Dito na sumama ang loob ng biktima kaugnay sa problemang pampamilya matapos na sagutin ng pabalang at pagmumurahin ni Maritess ang sariling ina.

Humagulgol umano ang matanda matapos komprontahin ng kanyang anak kaya humantong sa pagpapakamatay nito.

 

vuukle comment

ADELINA CLIMACO

ALBAY

BARANGAY TAYTAY

CAMARINES SUR

LEGAZPI CITY

LOURDES PE

MARITESS

UPPER CULASI

VICENTE MONTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with