HR manager pinabulagta
CAVITE , Philippines – Pinabulagta ang 61-anyos na human resources manager makaraang barilin ng di-kilalang lalaki habang nag-aabang ng masasakyan kamakalawa ng gabi sa Barangay Maguyam sa bayan ng Silang, Cavite. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Julieta Tinson, kawani ng pribadong kompanyang Sy-On, Inc. at nakatira sa bayan ng Carmona, Cavite. Sa imbestigasyon ni P03 Jose Ilano, bandang alas-10 ng gabi nang lapitan at barilin ang biktimang nag-aabang ng masasakyan. Palakad na tumakas ang gunman saka sumakay ng traysikel.
- Latest