^

Probinsiya

3 katao sinalvage

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng tatlong lalaki na brutal na pinaslang saka itinapon ang bangkay  sa tabi ng highway ng Tagoloan, Misamis Oriental nitong Sabado ng umaga.

Bandang alas-5:45 ng umaga nang madiskubre ng mga residente ang sinunog pang bangkay ng mga biktima na  inabandona sa provincial road sa  tabi ng madamong highway ng Brgy. Sta Ana, Tagaloan ng lalawigang ito.

Ayon kay Inspector Maricris Mulat, hepe ng Tagaloan, kasalukuyan pa nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktimang brutal na pinaslang.

Sinabi ni Mulat na posibleng sa ibang lugar pinaslang ang mga biktima saka itinapon sa lugar upang lansihin ang mga imbestigador.

Sa kasalukuyan, ayon sa opisyal, hirap pa silang kilalanin ang mga biktima dahilan halos sunog ang mukha ng mga ito.

Samantalang pawang nakaplaster ng packing tape ang bibig ng mga biktima at  nakatali ng nylon cord ang  mga leeg.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

 

vuukle comment

AYON

BANDANG

BRGY

INSPECTOR MARICRIS MULAT

MISAMIS ORIENTAL

MULAT

NATAGPUAN

STA ANA

TAGALOAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with