^

Probinsiya

Ex-OFW kinidnap sa mall

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang 38-anyos na buntis na dating overseas Filipino worker sa naganap na insidente sa Gaisano Capital Mall sa Pagadian City, Zamboanga del Sur kamakalawa. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Pebelyn Betulo ng Barangay Gumahan sa bayan ng Josefina, Zambonga del Sur. Sa imbestigasyon, naganap ang insidente habang namimili ang biktima sa nasabing mall  sa San Pedro District bandang alas-12:30 ng tanghali. Nabatid na ang biktima ay naka-check-in sa JRC Hotel sa  Pagadian City simula pa noong Hunyo 18 dahil hinihintay nitong iskedyul ng kaniyang caesarian operation dahil nasa kabuwanan na ito ng pagbubuntis. Ayon kay Samuddin, kasama ng biktima ang kaniyang bayaw na si Arnulfo Bertulo ay nagtungo sa nasabing mall para bumili ng mga kakailanganin sa kaniyang panganganak nang bigla nalamang mawala ang biktima. Gayon pa man, ilang minuto ang nakalipas ay  nakatanggap si Bertulo ng text message mula sa biktima na isinakay umano siya ng mga kidnaper sa asul na van at humihingi ito ng tulong. Agad namang dumulog si Arnulfo sa himpilan ng Pagadian City PNP kung saan inilatag na ang operasyon.

 

vuukle comment

ARNULFO

ARNULFO BERTULO

AYON

BARANGAY GUMAHAN

BERTULO

CAMP CRAME

GAISANO CAPITAL MALL

PAGADIAN CITY

PEBELYN BETULO

SAN PEDRO DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with