^

Probinsiya

Magkumpare nagpatayan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang 54-anyos na magsasaka matapos itong saksakin at mapatay ng binatang anak ng kanyang napatay na ama na sinasabing sympathizer ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Kauswagan, bayan ng Loreto, Agusan del Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang napatay na sinasabing nagsimula ng kaguluhan na si Leoncio Villamor habang idineklara namang patay sa Tagum Hospital ang kumpare nitong nilaslas ang leeg na si Virgilio Silawan, 55.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Isagani Galo, 18, matapos na mapaslang ang niresbakang sumaksak at lumaslas sa leeg ng kaniyang amain.

Sa ulat ni P/Supt. Romaldo Bayting na nakarating sa Camp Crame, nag-iinuman sina Silawan at Villamor nang sumiklab ang pagtatalo kaugnay sa isyung pakikisimpatiya at pagsuporta ni Silawan sa mga rebelde.

Humantong naman sa pananaksak ni Villamor kay Silawan ang kanilang pagtatalo kung saan tinangka pang pumasok sa bahay kaya niresbakan ito ni Galo.

vuukle comment

BARANGAY KAUSWAGAN

CAMP CRAME

ISAGANI GALO

LEONCIO VILLAMOR

NEW PEOPLE

ROMALDO BAYTING

SILAWAN

TAGUM HOSPITAL

VILLAMOR

VIRGILIO SILAWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with