^

Probinsiya

3 wanted utas sa pulis operation

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines   -Tatlo-katao kabilang ang isa sa mga suspek sa Maguindanao massacre at sinasabing miyembro ng kriminal gang ang napatay matapos makipagbarilan sa mga operatiba ang pulisya sa isinagawang operasyon sa Barangay Bagua 2, Cotabato City, Maguindanao kahapon ng umaga.

Kinilala ni Cotabato City PNP Director P/Senior Supt. Rolen Balquin ang mga napatay na sina Moktar Santo na may pending warrant of arrest ng multiple murder with 57 counts na isa sa mga suspek sa Maguindanao Massacre at may patong sa ulo na P 250,000; Guiamaludin “Katindig” Buisan, at isang alyas Bad Boy.

Nabatid sa ulat ng pulis­ya na pitong araw lamang sanang rerentahan ng tatlo ang bahay para sa planong paghahasik ng karahasan pero doon na sila inabutan ng mga operatiba ng pulisya.

Ayon pa kay Balquin, ang tatlo ay mga suspek din sa pamamaril noong nakalipas na Ramadan sa bayan ng Maganoy, Shariff Aguak, Maguindanao.

Narekober sa shooting scene ang isang M16 riffle, cal.45 pistol at anim na granada. Dagdag ulat ni Joy Cantos

 

vuukle comment

BAD BOY

BARANGAY BAGUA

COTABATO CITY

DIRECTOR P

JOY CANTOS

MAGUINDANAO

MAGUINDANAO MASSACRE

MOKTAR SANTO

ROLEN BALQUIN

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with