^

Probinsiya

2 patay sa pamamaril

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines - – Dalawa-katao ang napaslang sa naganap na magkahiwalay na pamamaril sa bayan ng San Juan, Batangas kamakalawa. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel, Batangas PNP director, kinilala ang mga napatay na sina Manolo Briones ng Barangay Mabalanoy; at Jojet Gunio, 39, ng Barangay Bulsa. Bandang alas-9:30 ng umaga nang nanggugulo si Briones na may hawak na itak kung saan tinangkang payapain ng barangay tanod na si Melchor Baña. Gayon pa man, tinangkang tagain si Baña kaya napilitang barilin ang nagwawalang si Briones. Samantala, napatay naman si Gunio matapos barilin ng suspek na si Alberto Malapitan nang mauwi sa mainitang pagtatalo na may kaugnayan sa lupa ang kanilang usapan habang nakikipag-inuman sa Barangay Bulsa bandang alas 6:10 ng gabi. Kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya ang mga suspek na sina Malapitan at Baña.

vuukle comment

ALBERTO MALAPITAN

BARANGAY BULSA

BARANGAY MABALANOY

BATANGAS

BRIONES

JOJET GUNIO

MANOLO BRIONES

MELCHOR BA

OMEGA JIREH FIDEL

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with