^

Probinsiya

P20-M ari-arian naabo

Dino Balabo at Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines - —Tinatayang aabot sa P20-milyong halaga ng ari-arian ang nilamon ng apoy matapos masunog ang dalawang lumang gusali ng Immaculate Conception School for Boys at ang limang sasakyan sa Malolos City, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Umabot sa ikatlong alarma ang naganap na sunog kung saan nagsimula bandang alas-3 ng madaling araw at bandang alas-7 ng umaga ay tuluyang naapula ang apoy.

Hindi pa matukoy ng BFP ang pinagmulan ng apoy su­balit ayon sa security guard ng City of Malolos Water District, nagsimula ang apoy sa poste sa labas ng bakod ng ICSB sa Barangay Sto. Rosario sa nabanggit na lungsod.

Gumapang ang apoy sa isang silid sa Immaculate Conception of Malolos City hanggang kamalat sa gusali ng ICSB na katabi ng Basilica Menor of Immaculate Conception (Malolos Cathedral). Sinang-ayunan naman ni Monsignor Pablo Legazpi, rector ng ICSB, ang naging pahayag ng guwardiya.

Kaugnay nito, pansamantalang sinuspinde ang klase sa may 2,000 mag-aaral ng ICSB at tinatayang magbabalik eskwela sa Hulyo.

 

vuukle comment

BARANGAY STO

BASILICA MENOR OF IMMACULATE CONCEPTION

BULACAN

CITY OF MALOLOS WATER DISTRICT

IMMACULATE CONCEPTION OF MALOLOS CITY

IMMACULATE CONCEPTION SCHOOL

MALOLOS CATHEDRAL

MALOLOS CITY

MONSIGNOR PABLO LEGAZPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with