^

Probinsiya

Retiradong pulis, itinumba

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napaslang ang 63-anyos na retiradong pulis matapos ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa  harap ng kanyang anak sa Barangay Malinao, bayan ng Donsol, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Dante Buetes ng Barangay Binisitahan sa nabanggit na bayan. Base sa police report,  sakay ng habal-habal ang biktima at anak nitong si Danrey nang parahin ng mga rebelde ang sasakyan. Pinababa ang biktima saka pinagbabaril sa harap ng kanyang anak na lalaki at driver ng habal-habal. Hindi naman ginalaw ang anak ng biktima at maging ang driver ng sasakyan kung saan naglakad palayo ang mga rebelde na animo’y walang naganap na pamamaril.

vuukle comment

BARANGAY BINISITAHAN

BARANGAY MALINAO

DANREY

DANTE BUETES

DONSOL

KINILALA

NAPASLANG

NEW PEOPLE

PINABABA

SORSOGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with