^

Probinsiya

Pekeng PDEA agent, arestado

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines  - Kalaboso ang 40-anyos na pekeng agent ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos arestuhin ng pulisya sa dinaluhang kasalan sa Barangay Lolomboy, bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Randy Marcelo ng Sampaguita Street sa Barangay Panginay sa bayan ng Balagtas. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Nathaniel Villegas, dumalo ang suspek sa marangyang kasalan at nagpakilalang si SPO3 Marcelo ng PDEA. Gayon pa man, naalarma ang mga bisita kaya ipinagbigay-alam sa pulisya kung saan nasakote naman ang suspek. Nasamsam sa suspek ang isang motorsiklo at bungkos ng pekeng pera kung saan sa beripikasyong isinagawa sa PDEA-Region 3 ay wala sa listahan ng mga agent ang suspek.

 

vuukle comment

BALAGTAS

BARANGAY LOLOMBOY

BARANGAY PANGINAY

BOCAUE

BULACAN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GAYON

NATHANIEL VILLEGAS

RANDY MARCELO

SAMPAGUITA STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with