^

Probinsiya

Trader, helper niratrat ng riding-in-tandem

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - - Niratrat ang isang 34 anyos na negosyante ng tabako at ang alalay nito ng hindi pa nakilalang riding-in-tandem na mga armadong salarin habang lulan ng behikulo sa highway ng Brgy. Lang-ayan, Currimao, Ilocos Norte kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawing mga biktima na sina Norberto Arce ng Vigan City at alalay nitong si Limar Agdeppa. Si Arce ay dead-on-the-spot sa insidente habang dead-on-arrival naman si Agdeppa sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center. Lumalabas sa imbestigasyon na nag-overtake ang mga suspek sa sasakyan ng mga biktima saka sila binistay ng bala bago mabilis na nagsitakas. Natagpuan sa crime scene ang mga basyo ng cal.45. 
Nabatid na galing sa pagbebenta  ng inaning tabako ang binistay na negosyante sa Batac City nang pagbabarilin ng mga salarin pagsapit sa lugar.
 Sinisilip na ng pulisya ang posibilidad na robbery ang motibo ng krimen.

vuukle comment

AGDEPPA

BATAC CITY

BRGY

ILOCOS NORTE

LIMAR AGDEPPA

MARIANO MARCOS MEMORIAL HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

NORBERTO ARCE

SI ARCE

VIGAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with