^

Probinsiya

No. 1 ‘most wanted’ na tserman, timbog

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, ALBAY , Philippines   -  Hindi na makapalag ang isang incumbent barangay captain na tinaguriang number 1 “most wanted person” dahil sa kasong panggagahasa sa kanilang bayan nang arestuhin  sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa loob ng Municipal Hall sa South Centro, Sipocot, Camarines Sur kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Brgy. Captain Rogener Casao, 41, may-asawa, ng Brgy. Caima ng naturang bayan.

Nasakote si Casao dakong alas-8:15 ng umaga base sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge. Angel S. Malaya, presiding judge  ng RTC Branch 22, Naga City sa kasong rape at walang inrekomendang piyansa para sa pansalamantang paglaya nito.

Nauna rito, nagtungo ang nasabing chairman sa munisipyo para sa mahalagang pagpupulong na agad na sinamantala ng mga awtoridad hanggang sa maaresto. 

Ilang taon na umanong nagtago ang suspek dahil sa kasong kanyang kinasasangkutan hanggang sa tumakbo sa pagka-tserman ng barangay ng nagdaang halalan.

vuukle comment

ANGEL S

BRGY

CAIMA

CAMARINES SUR

CAPTAIN ROGENER CASAO

CASAO

ILANG

KINILALA

MUNICIPAL HALL

NAGA CITY

SOUTH CENTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with