^

Probinsiya

Pastor sa Ifugao, itinumba

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Pinabulagta ang 54-anyos na pastor sa Ifugao makaraang ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa panibagong karahasang naganap sa Diversion Road, Purok 2 sa Barangay  Baretbet, bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya kamakalawa ng gabi. Limang bala ng baril ang tumapos sa buhay ng biktimang si Benedicto Manaol, dating miyembro ng Sanguniang Bayan ng Lamut, Ifugao at nakatira sa Barangay Poblacion East sa nabanggit na lugar. Sa inisyal na ulat pulisya na isinumite kay P/Chief Inspector Chivalier Irringan, hepe ng Bagabag PNP, pauwi na ang biktimang sakay ng motorsiklo mula sa kanyang farm sa Sitio Diffug, Barangay Dagupan ng ratratin ng mga armadong lalaki na lulan ng puting kotse.  Sa tala ng pulisya, si Manaol ang ika-6 na biktima ng pamamaril sa nasabing bayan simula noong Mayo 13 kung saan lima sa mga biktima ay pawang nakatira sa Ifugao. Alitan sa lupa at tribal war ang ilan sa mga sinisilip na anggulo ng pulisya.

vuukle comment

ALITAN

BAGABAG

BARANGAY DAGUPAN

BARANGAY POBLACION EAST

BENEDICTO MANAOL

CHIEF INSPECTOR CHIVALIER IRRINGAN

DIVERSION ROAD

IFUGAO

NUEVA VIZCAYA

SANGUNIANG BAYAN

SITIO DIFFUG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with